Tuesday, July 31, 2012

Ang Dapat Malaman ng mga Martir


Itong Kapisanan ng mga Martir, na pinamumunuan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababaihan niyaong hindi pa umuusbong sa mga lupaing ito ang mga bakla, ay nabubuhay sa lubos na pasakit, at kasawian. Kasundo niya ang mga sadista at lalung-lalo na ang mga masokista, sila’y kakuwentuhan at kapalitan ng mga karaasan, malabis ang pagyabong ng lahat ng kasawian, kaya’t dahil dito’y salat ang kapalaran ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong magtiis at magbulag-bulagan ng talagang kalapastangan sating mga martir. Dumating ang mga Romeo at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagkukunwari ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na nag-alay ng buong damdamin sa kani-kanilang mga katipan, at yao’y pinag-isa’t binigkis nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagmamahalan na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Sumpaan sa Kastilyong Buhangin” ng kawawang martir at ni Romeo na pinakakatawanan ng hari sa Neverland.

Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Romeo ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinaglilingkuran at minamahal, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga umiibig na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga paring GomBurZa at taga-True Love Land na nagbalak iligtas sa kanila nitong Kapisanan ng mga Martir.

Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating kapisanan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating pagsakripisyo! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong pasasayahin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, pinagtiis tayo sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang imahe ng ating tunay na pag-ibig; iminulat tayo sa isang maling pagmamahal at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na atensyon, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y balewalain at ilayo sa piling ng ating minamahal na kaibigan, pangarap at mumunting mithiin. Ang bawat isang hiling na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pag-iinarte at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kasakiman.

        Ngayon wala nang maituturing na kaligayahan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating kaligayahan ng kumakaliskis na sumbat at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga mapanlinlanga na Romeo; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nawasak na buhay ng anak, sa pananangis ng martir na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nasasaktan ng tanikalang nakalalait sa bawat taong may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katotohanan, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katotohanan, lalo’t lalong kaalipustaan at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katotohanan, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong pag-ibig na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katotohanan ang tayo’y umasa sa atin at huwag antayin sa iba ang ating kaligayahan. Itinuturo ng katotohanan ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing lungkot sa ating puso.

        Panahon na ngayong dapat na maaninag ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating tanggapin na tayo’y may sariling pagdaramdam, may karapatan, may kailangan at pangarap. Ngayon panahon nang dapat simulan ang pagtutuklas ng mga mahal at dakilang ani na magpapakita sa malaking butas na tumatabon sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat madama ng mga martir ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga abusado.

        Kaya, O mga kapwa, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang ibuhos sa kagalingan ang ating nararamdaman sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kasiyahan ng kapisanang tinubuan.

Thursday, July 19, 2012

Kwento sa FB: Ikaw Kasi, Hindi Sya


 
1.             Nakakatawa lang :)))

2.             Ba't kasi 'di na lang sya?
Yung nakakasakay sa mga kalokohan at kacornyhan ng jokes mo.
Yung taong nakakausap mo ng ilang oras na walang ni isang awkward silence.
Yung taong super kuripot pagdating sa iba, pero galante pagdating sa'yo.
Yung taong nakakapakalma sa'yo pag badtrip ka, itext mo lang sya kahit 'di magreply.
Yung taong never humingi ng kahit anong kapalit sa lahat-lahat ng tulong na ginawa nya sa'yo.
Yung taong laging nagsasabi ng 'ingat ka' na sincere.
Yung nagpapatawa sa'yo.
Yung laging mabait sa'yo.
Yung taong walang balak paiyakin ka.
Yung nag-aabot ng kamay nya para alalayan ka.
Yung taong gusto ng mga kaibigan mo para sa'yo.
Yung taong nililift up ka lagi kahit alam nyang medyo tagilid ka na.
Yung taong masasabi mong perfect.
At higit sa lahat yung taong sinasabing "the best ka eh" kahit na alam mong hindi ka talaga ganun.

3.             Sige. Si Dominic nalang palagi. T.T I'm gonna cry myself to sleep 'cause I am forever alone and you don't love me. :((( Goodbye world.

4.             Joke lang yun. Gusto ko lang sabihin sa’yo na isa ka sa mga desisyong ‘di ko pagsisisihan. I chose you because you are the best one. Kaya ‘wag na ‘wag mo akong iloloko sa iba.

5.            i can never win this game without you~

6.            When death smiles at us, all we can do is smile back.

7.            Adik na kung adik.

8.            I just wanna SHOUT these things out loud right now:
kahit 'di ko man sabihin sa'yo lagi,
kahit na minsan ay 'di ko pinagbibigyan mga hiling mo,
kahit na minsan 'di mo ako pinapansin,
kahit na iyakin ako at siguro ay nab'bwisit ka na sa akin,
I LOVE YOU.

9.            I love you Bayot! (:

10.        I love you too.

Tuesday, July 10, 2012

Cento: The Rebound

Head over heels in the moment.
Should I just keep chasing pavements?
Mistula nang tanga.
Bakit may mahal ka nang iba?
Di mo pinapansin,
Ang sigaw nitong damdamin.
'Di mo na kailangang mag-alinglangan.
'Di ko matitiis na ikaw pang mahirapan.
If I could have the time back, how I'd live?
I wish that you will just leave.
I'm happy you left me,
'cause someday, someone's gonna love me.
Rebound mo lang pala ako.
Parang bula ika'y naglaho.

Thursday, July 5, 2012

Cento

Ang cento, galing sa Latin na “patchwork” o “tagpi-tagpi”, ay isang anyo ng tula na gumagamit ng mga linya galing sa likhang mga tula ng ibang mga makata—na kadalasang ay yung mga tanyag na manunulat.
Ang salitang cento ay nangangahulugang na “isang daan” sa Italya. Ang kadalasang mosaic poems ay binubuo ng eksaktong isang daang linya na gawa bilang parangal sa isang makata. Ang mga cento naman noong sinaunang panahon ay ginawa ng mga Greko para kay Homer, at para naman kay Virgil ng mga Romano.
Ang mga modernong cento ay nakakakatawa at puno ng ironya dahil sa pagkakaayos ng mga ideya na napapaloob sa ganitong uri ng likha.


 
Sources:


Monday, July 2, 2012

Links